Tuesday, May 27, 2008

balitang talaga...shrine workers no need to get their undies off


TALAGA: MGA MANGGAGAWA SA ISANG SHRINE, HINDI NA KAILANGANG MAGBURLES HABANG NAGBIBILANG NG KOLEKSYON NG SIMBAHAN…

*****

KINABOG NG MGA MANGGAGAWA SA ISANG SHRINE SA INDIA ANG CARREER NINA GARDO VERSOSA AT ALAN PAULE SA PAGHUHUBAD SA TUWING MAGBIBILANG NG KOLEKSYON NG ISANG HINDU TEMPLE.

GAYUNMAN, TAPOS NA ANG PANGAMBA NG MGA ITO NA MA-PULMUNYA DAHIL SA NAKABILAD NA HUBAD NILANG KATAWAN SA TUWING MAGBIBILANG NG PERA AT IBA PANG MAMAHALING MGA BATO AT ALAHAS NA KALIMITANG INAALAY NG MGA TAO SA SHRINE.

HUBO’T HUBAD KASI ANG MGA LALAKING MANGGAGAWA NG SHRINE KUNG PAPASUKIN SA LOOB NITO NA ANG TANGING DRESS CODE AY PAWANG TELANG PUTI NA NAKAPALIBOT SA BEWANG NG MANGGAGAWA.

NAKU, TALAGA NAMANG MAG-EENJOY SINA MADAM AURING O DI KAYA SI TITA SWARDING SAKALIT MAISIPANG MAGSIMBA SA KERALA SHRINE NA MATATAGPUAN SA SABARIMALA HILL SA LALAWIGAN NG THI-RU-VA-NAN-THA-PU-RAM, INDIA.

ULTIMONG SALONG PWET AY BAWAL ISUOT NG MGA MANGGAGAWA DAHILAN PARA MAGREKLAMO ANG MGA ITO NA PAGLABAG UMANO SA KANILANG KARAPATANG PANTAO ANG PAGBUYANGYANG NG KANILANG NANGANGALINGASAW NA KASELANAN SA LOOB NG SHRINE.

DAHIL DITO, NAGREKLAMO ANG MGA MANGGAGAWA SA PANGUNGUNA NI CHAVARA GOPAKUMAR SA HUMAN RIGHTS COMMISSION NG KERALA KUNG SAAN, KINAMPIHAN SILA NG KOMISYON SA KANILANG KAHILINGAN.

DAHIL NGAYON, MAARI NANG MAGSUOT NG KANILANG UNDERWEAR ANG MGA MANGGAGAWA SA LOOB NG SHRINE PARA HINDI NA AALOG-ALOG ANG KANILANG MGA ITLOG HABANG NAGBIBILANG NG PERA.

SA HALIP, MAGLALAGAY NA LAMANG UMANO NG SECURITY CAMERA SA LOOB NG KERALA SHRINE PARA MABANTAYAN ANG MGA MANGGAGAWA KUNG NANG-UUMIT NG MGA DONASYON.

AT YAN ANG BALITANG TALAGA, AKO PO SHERWIN BATA ALFARO, NAG-UULAT PARA SA DZRH, NATIONWIDE…

No comments: