Wednesday, May 21, 2008

balitang talaga...

TALAGA: HABULANG PUSA AT DAGA, NAUWI SA MALAWAKANG BLACK-OUT NG KAPITAL NG ISANG BANSA…
*******
UMABOT NG 72 ORAS ANG BLACK-OUT NA NARANASAN SA TIRANA, KAPITAL NG BANSANG ALBANIA.
ITO'Y MATAPOS MASIRA ANG MAIN POWER SOURCE NG TIRANA NA SIYANG NAGHAHATID NG SUPPLY NG KURYENTE SA KABUUAN NG KAPITAL, KASAMA NA ANG PAMAHALAANG NASYONAL NG ALBANIA.

MUNTIK-MUNTIKAN PANG MAGDEKLARA NG NATL. EMERGENCY ANG PAMAHALAAN NG LUMAMPAS PA SA 24 ORAS ANG KAWALAN NG KURYENTE SA MGA SENSITIBONG TANGGAPAN NG PAMAHALAANG ALBANIA DAHIL SA BLAC-OUT.

ANG DAHILAN, MGA LAKAY, ISANG PUSA AT ISANG DAGA ANG NAGHABULAN SA LOOB NG POWER STATION NG TIRANA DAHILAN PARA MAGKASUKBIT-SUKBIT ANG MGA KABLE NITO AT MAGKAROON NG SHORT-CIRCUIT.

DAHIL DITO, NAHIRAPANG I-LOCATE NG TIRANA POWER STATION ANG DAHILAN NG PAGKAKAROON NG POWER OUTTAGE SA KABUUAN NG LUNGSOD.

AT NG MAKITA SA SECURITY VIDEO NG POWER STATION, ISANG PUSA ANG NAGHAHABOL NG ISANG SINLAKI NG BRASO NG TAO NA DAGA SA LOOB NG POWER SUPPLY STATION AT MATAPOS NITO AY NAGKAROON NG BLACK-OUT.

BILANG EBIDENSYA, KINUNAN RIN NG TIRANA POWER STATION NG LITRATO ANG BANGKAY NG PUSA AT DAGA NA NAMATAY SA LAKAS NG BOLTAHENG TINAMO NG MAGHABULAN SA LOOB NG POWER SUPPLY STATION.

AT YAN ANG BALITANG TALAGA, AKO PO SHERWIN BATA ALFARO, NAG-UULAT PARA SA DZRH, NATIONWIDE…

No comments: