Tuesday, May 27, 2008

balitang talaga...shrine workers no need to get their undies off


TALAGA: MGA MANGGAGAWA SA ISANG SHRINE, HINDI NA KAILANGANG MAGBURLES HABANG NAGBIBILANG NG KOLEKSYON NG SIMBAHAN…

*****

KINABOG NG MGA MANGGAGAWA SA ISANG SHRINE SA INDIA ANG CARREER NINA GARDO VERSOSA AT ALAN PAULE SA PAGHUHUBAD SA TUWING MAGBIBILANG NG KOLEKSYON NG ISANG HINDU TEMPLE.

GAYUNMAN, TAPOS NA ANG PANGAMBA NG MGA ITO NA MA-PULMUNYA DAHIL SA NAKABILAD NA HUBAD NILANG KATAWAN SA TUWING MAGBIBILANG NG PERA AT IBA PANG MAMAHALING MGA BATO AT ALAHAS NA KALIMITANG INAALAY NG MGA TAO SA SHRINE.

HUBO’T HUBAD KASI ANG MGA LALAKING MANGGAGAWA NG SHRINE KUNG PAPASUKIN SA LOOB NITO NA ANG TANGING DRESS CODE AY PAWANG TELANG PUTI NA NAKAPALIBOT SA BEWANG NG MANGGAGAWA.

NAKU, TALAGA NAMANG MAG-EENJOY SINA MADAM AURING O DI KAYA SI TITA SWARDING SAKALIT MAISIPANG MAGSIMBA SA KERALA SHRINE NA MATATAGPUAN SA SABARIMALA HILL SA LALAWIGAN NG THI-RU-VA-NAN-THA-PU-RAM, INDIA.

ULTIMONG SALONG PWET AY BAWAL ISUOT NG MGA MANGGAGAWA DAHILAN PARA MAGREKLAMO ANG MGA ITO NA PAGLABAG UMANO SA KANILANG KARAPATANG PANTAO ANG PAGBUYANGYANG NG KANILANG NANGANGALINGASAW NA KASELANAN SA LOOB NG SHRINE.

DAHIL DITO, NAGREKLAMO ANG MGA MANGGAGAWA SA PANGUNGUNA NI CHAVARA GOPAKUMAR SA HUMAN RIGHTS COMMISSION NG KERALA KUNG SAAN, KINAMPIHAN SILA NG KOMISYON SA KANILANG KAHILINGAN.

DAHIL NGAYON, MAARI NANG MAGSUOT NG KANILANG UNDERWEAR ANG MGA MANGGAGAWA SA LOOB NG SHRINE PARA HINDI NA AALOG-ALOG ANG KANILANG MGA ITLOG HABANG NAGBIBILANG NG PERA.

SA HALIP, MAGLALAGAY NA LAMANG UMANO NG SECURITY CAMERA SA LOOB NG KERALA SHRINE PARA MABANTAYAN ANG MGA MANGGAGAWA KUNG NANG-UUMIT NG MGA DONASYON.

AT YAN ANG BALITANG TALAGA, AKO PO SHERWIN BATA ALFARO, NAG-UULAT PARA SA DZRH, NATIONWIDE…

Thursday, May 22, 2008

red rer eyes..


got a red eyes today...everybody's reacting very badly, almost everyone thought that im making them hawa with my red eyes...
i woke up this morning with so many muta in my eyes. its kinda itchy and my eyes are iritating. just like some people in the office that i just dont like dealing with. maarte at mayayabang...as if they were the only people who exist in the office. mga julalay na maarte at junitor na akala mo kung sino. manghingi ka ng bond paper tatanungin pa kung aanuhin mo yung papael...what a sensible question to ask. syempre susulatan alangan naman na gawin kong eroplano at paliparin sa opisina...kainis...and thats how i feel with my red eyes today...kaaasar, kayamot, kabanas, kaka...lahat na ng kaka...
but the good thing with this is that i got the chance to wear my shades the wholeday and even the whole night...while on my way to the office ( i do commute every day going to my office) i heard this girl at mrt escalator saying ...nasaan ang araw.... which i thing is a question pertaining to me, because its raining outside and im wearing my shades, they got my nerves and i butted in, i told them (the two girls) that i had sore eyes. then she smiled at me...as if asking what the fuck do i'm telling them...then i got my shades off and pointed to them my eyes, explaining that i needed to wear my shades because of my red eyes. then she clears that shes not insulting me but asking her companion where the arrow are pointed in the escalator. theres no arrow in mrt escalator then i excuse my self, telling them that i just misunderstood their statement. nway, napahiya pa yata ako...kasi naman wala namang arrow sa mrt escalator sa flatform meron...ewan ko ba defense mechanism na yata iyon ng mga may sore eyes, basta narinig ko sinabi nila yun, madapa na nagsisinungaling...
pagdating ko sa office, i asked the company nurse kung meron kaming eyedrops para malinis ang mata ko...to my surprise...wala daw kami nun sa opisina...where in fact, 8 hours kaming nakaharap sa computer or even more that 8 hours a days, six days a week kaasar...napaka inutil talaga...kasi naman bakit di pa ako bumili sa labas ng eye drops para hindi na ako lalabas ulit ngayon...eh umuulan pa naman, katatapos ko lang gumaling from my throat infection...hay...

Wednesday, May 21, 2008

balitang talaga...

TALAGA: HABULANG PUSA AT DAGA, NAUWI SA MALAWAKANG BLACK-OUT NG KAPITAL NG ISANG BANSA…
*******
UMABOT NG 72 ORAS ANG BLACK-OUT NA NARANASAN SA TIRANA, KAPITAL NG BANSANG ALBANIA.
ITO'Y MATAPOS MASIRA ANG MAIN POWER SOURCE NG TIRANA NA SIYANG NAGHAHATID NG SUPPLY NG KURYENTE SA KABUUAN NG KAPITAL, KASAMA NA ANG PAMAHALAANG NASYONAL NG ALBANIA.

MUNTIK-MUNTIKAN PANG MAGDEKLARA NG NATL. EMERGENCY ANG PAMAHALAAN NG LUMAMPAS PA SA 24 ORAS ANG KAWALAN NG KURYENTE SA MGA SENSITIBONG TANGGAPAN NG PAMAHALAANG ALBANIA DAHIL SA BLAC-OUT.

ANG DAHILAN, MGA LAKAY, ISANG PUSA AT ISANG DAGA ANG NAGHABULAN SA LOOB NG POWER STATION NG TIRANA DAHILAN PARA MAGKASUKBIT-SUKBIT ANG MGA KABLE NITO AT MAGKAROON NG SHORT-CIRCUIT.

DAHIL DITO, NAHIRAPANG I-LOCATE NG TIRANA POWER STATION ANG DAHILAN NG PAGKAKAROON NG POWER OUTTAGE SA KABUUAN NG LUNGSOD.

AT NG MAKITA SA SECURITY VIDEO NG POWER STATION, ISANG PUSA ANG NAGHAHABOL NG ISANG SINLAKI NG BRASO NG TAO NA DAGA SA LOOB NG POWER SUPPLY STATION AT MATAPOS NITO AY NAGKAROON NG BLACK-OUT.

BILANG EBIDENSYA, KINUNAN RIN NG TIRANA POWER STATION NG LITRATO ANG BANGKAY NG PUSA AT DAGA NA NAMATAY SA LAKAS NG BOLTAHENG TINAMO NG MAGHABULAN SA LOOB NG POWER SUPPLY STATION.

AT YAN ANG BALITANG TALAGA, AKO PO SHERWIN BATA ALFARO, NAG-UULAT PARA SA DZRH, NATIONWIDE…

gimme more drinks please...
ive been in the library in malate the other night attended nominees night set by the entertainment press society inc. for the 5th golden screen awards to be slated sometime in june. the show strated a bit late tough the entertainers there were marvelous...yun nga lang iisa lang palagi linya nila...magpalakpakan tayo ng kamay.... maybe mga 10 times nilang nirequest sa publiko na magpalakpakan tayo ng kamay....nyenye nye...k lang, para silang bagitong mga stand-up commedian...it could sound more better kung nagjoke na lang sila ng nagjoke, okay naman delivery nila ng jokes e, kaso palaging sinasabi nila....magpalakpakan tayo ng kamay....diko alam kung talagang malakas lang ang sipa ng redhorse, kasi yun ang iniinom ko that time o talagang hilo lang ako sa kakalaro ng mga host on stage...the good thing is, pumunta ako doon to get my nomination personally...pero, akala ko i-bibigay isa-isa yung certificates, nagulat ako ng i-abot na lang sa kina-uupuan ko yung certifiacte ko...nyenyenye....sayang yung porma ko, di na sight ng marami, kaya uminom na lang ako ng uminom ng beer...ito ang tama...drink moderately...nyenyenye....
victor basa ask me kung rolling stones daw ba yung suot kong shirt kagabi, told him, yah...rolling stones rainbow lips and tongue...jake cuenca says, he has also one... gulat ako...e nabili ko lang sa tutuban yung t-shirt na yun...may taste rin pa la ako minsang mamili ng damit...kala ko pinakarow-4 na ako pagdating sa fashion sense.
and back to enpress nomination night, libre entrance lang pala sa library, kala ko pati drinks...the night ended up na nalasing ako sa tatlong bote ng red horse...nyenyenye...ito ang tama...lakas tama talaga....
happy blogging....

welcome to my blogg

ei!!

mabuhay!!!

welcome to my spot, where i can discuss things on my own...please let me take care of you as you read along with my different views on different topics around. and please dont be shy to give me feedbacks..id love to hear your points too...


she..